"ITS EITHER YOU WILL HELP ME OR MAGDEDECLARE AKO NG MARTIAL LAW PARA SA MINDANAO"-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE
Ayon sa pangulo kung hindi talaga gusto ng mga Pilipino ng Martial Law ay makipag tulunganan nalang dahil lahat naman raw ng ginagawa niya ay para sa kapakanan ng bansa. Inaasahan niya ang kooperasyon ng mga Pilipino lalo na ng mga local officials na tulungan siya sa kanyang kampanya laban sa druga,terorismo, korapsyon at iba pang uri ng karahasan. Binalaan niya rin ang mga lokal na opisyales na kapag hindi pa itinigil ang mga karahasan sa kanilang nasasakupan ang magdedeklara na raw ang pangulo ng Military take over sa syudad o probinsya.
Sinagot rin ng pangulo ang isyu na nais daw niyang magdeklara ng Martial Law dahil gusto niyang pahabain ang kanyang termino bilang pangulo. Ayon kay Pangulong Duterte wala raw siyang plano na pahabain ang kanyang termino. Mas pipiliin pa niyang bumaba sa puwesto at hayaan si pangalawang pangulo Leni Robredo na resolbahin ang mga problema ng bansa.
"ITS EITHER YOU WILL HELP ME OR MAGDEDECLARE AKO NG MARTIAL LAW PARA SA MINDANAO"-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE
Reviewed by
Akane-san
on
3:28 PM
Rating:

No comments :