INALOK NI PANGULONG DUTERTE ANG MGA REBELDE AT PROTESTANTE NA MAGBIBIGAY SIYA NG TV NETWORK PARA SA KANILANG MGA HINAING
Sa isang speech sa inagurasyon ng People's Television 4, sinabi ni Pangulong Duterte na pakikiusapan niya ang namamahala ng network upang mag-alok ito ng airtime mula sa mga ordinaryong protestante at mga rebelde.
"Hinihikayat ko kayo na pumunta dito,ipaliwanag niyo sa pamahalaan at at kung valid ang inyung hinaing at rason, bibigyan namin kayo ng oras."-Sabi niya.
Sinabi rin ng Pangulong Duterte na handa siyang muling buksan ang usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng kumonista.
Binuksan din ni Pangulong Duterte ang channel para sa mga rebeldeng Muslim, na kung saan ang pamahalaan ay nagtatrabaho upang malutas ang laganap at matagal ng karahasan sa Mindanao.
"Kung sa tingin mo na dapat kayong makipag-usap sa buong Pilipinas kung ano ang iyong hinahangad, naiintindihan namin yan."-Sabi ni President Duterte.
"Kung kinuha sa inyo ang inyong lupain, naiintindihan namin yan. Tinanggalan kayo ng karapatan at katarungan, naiintindihan namin yan."-Dagdag pa niya.
Sinabi rin ni Pangulong Duterte na hindi niya gagamitin ang TV Network sa pamumulitika at pang personal na gamit.
INALOK NI PANGULONG DUTERTE ANG MGA REBELDE AT PROTESTANTE NA MAGBIBIGAY SIYA NG TV NETWORK PARA SA KANILANG MGA HINAING
Reviewed by
Akane-san
on
5:57 AM
Rating:
![INALOK NI PANGULONG DUTERTE ANG MGA REBELDE AT PROTESTANTE NA MAGBIBIGAY SIYA NG TV NETWORK PARA SA KANILANG MGA HINAING](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjI9iJd-hUvihO_a7q8pH1NilWyerzTm4Nw22rikayJtKPNQ-1bzERiOeFPmvgU4ukdo9Lk6uz7xd4b_KYzvl0Vcu-TCFyVTJCGYGaXX2mY4w2btl8gzupm9xI1xztxBgRG4PsMfAnmAJE/s72-c/duterte.jpg)
No comments :