Facebook

SUPPORTERS NI DELIMA, NAGSAGAWA NG SIGNATURE CAMPAIGN PARA SA KANYANG PAGLAYA

Sa kabila ng sari-saring mga isyung kinasasangkutan ng dating Secretary if Justice na ngayon ay naglilingkod na bilang isa sa mga senador ng Pilipinas na walang iba kundi si Sen Leila De Lima; hindi pa rin nawawala ang kanyang mga taga-suporta na layuning tulungan siya na makalabas sa kulungan niya sa Camp Crame.


Isang panibagong kampanya na naman ang binabalak gawin ng mga taga-suporta ng senadora. Tinawag nila itong "Free De Lima Movement" na layuning makaipon ng mahigit 1 milyong pirma ng bawat Pilipinong sang-ayon na palayain na ang senadora sa pagkakakulong nito. 

Kapag napagtagumpayan nilang makalipon ng 1 milyong pirma isusumiti nila ito sa Supreme Court para maging basihan na maraming taong nais patawarin at bigyan ng pangalawang pagkakataon ang senadora. Sa paraang ito mas mapapadali ang paglaya ni Sen. De Lima.


Maraming netizens ang nagbahagi rin ng kanilang opinyon tungkol sa kampanya ng mga De Lima Supporters at sinabing malabo raw itong magtagumpay at nararapat lang daw sa senadora ang makulong. Wala pa namang naging sagot ang kampo ng Senadora sa mga kritisismo ng ilan sa mga netizens.
SUPPORTERS NI DELIMA, NAGSAGAWA NG SIGNATURE CAMPAIGN PARA SA KANYANG PAGLAYA SUPPORTERS NI DELIMA, NAGSAGAWA NG SIGNATURE CAMPAIGN PARA SA KANYANG PAGLAYA Reviewed by Unknown on 9:33 PM Rating: 5

No comments :

Powered by Blogger.