Facebook

PRESIDENT DUTERTE AT IBANG MGA SENADOR NAGPULONG KUNG PAANO MALAGAY SA MABUTING KALAGAYAN ANG GOBYERNO

Noong nakaraang Martes,  ika-14 ng Marso sa Malacañang isang salo-salo ang inihanda ng Pangulong Duterte imbitado rito ang mga majority block ng senado.  Dumalo rin sa salo-salo sina Senate President Koko Pimentel, Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, at Majority Leader Tito Sotto na ilan sa may mga pinakamataas na puwesto sa senado. 


Isang pahayag ang ibinahagi ni Senator Joseph Victor Ejercito  gamit ang kanyang official facebook account.  Ipinapakita sa larawan kung gaano sila kasaya sa pagtitipon. Karamihan sa mga senador na inimbita ay naroon kabilang na si Sen. Manny Pacquiao , Senator Cayetano at iba pa.


Pinag-usapan nila ang ilang mga panukala at nagbigay din ang bawat isa ng mga mungkahi kung paano pa mapapabuti ang kalagayan ng gobyerno.

Hindi naman nakadalo sina Senator Ping Lacson, Chiz Escudero, at Gringo Honasan dahil sa araw na iyon din ginanap ang kanilang kaarawan. 

Naging matagumpay naman ang pagtitipon na pinangunahan ng pangulo. Patunay lang ito na may naniniwala pa rin sa kakayahan ng pangulo sa senado kahit sari-saring mga hindi magagandang isyu at balita ang dumating upang siya’y matalsik.
PRESIDENT DUTERTE AT IBANG MGA SENADOR NAGPULONG KUNG PAANO MALAGAY SA MABUTING KALAGAYAN ANG GOBYERNO PRESIDENT DUTERTE AT IBANG MGA SENADOR NAGPULONG KUNG PAANO MALAGAY SA MABUTING KALAGAYAN ANG GOBYERNO Reviewed by Akane-san on 2:45 AM Rating: 5

No comments :

Powered by Blogger.