Facebook

CAYETANO, GUSTONG PABILISIN ANG PROCESS SA PAGKUHA NG PASSPORT

Panibagong gusot na naman ang planong planchahin ni  Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano. Patungkol ito sa mabagal na serbisyo ng  Department of Foreign Affairs (DFA) sa pag proproseso ng mga passport.


Ayon kay Cayetano layunin niya na imbis maghintay ng ilang buwan ang mga mamamayan na aplikante sa pagkuha ng passport magiging araw nalang daw ang bibilangin nila. Pagkatapos isumite ng aplikante ang mga requirments na kailangan para sa pagkuha ng passport kailangan na matanggap niya ito sa lalong madaling panahon.

Dagdag pa ni Cayetano nais niya na maging katulad ng US ang Pilipinas sa pagkuha ng passport. Nagtataka daw siya kung bakit dito sa Pilipinas ay napakabagal. Kaya naggtanong siya sa DFA kung kulang pa ba ang mga trabahante o di naman kaya ang mga makina na gumagawa ng mga passport dahil kung yaon lang ang problema ay susulusyonan niya ito kaagad. 


Ang mas ikanagulat ng lahat ay ang pahayag ni Cayetano na kapag hindi daw available ang funds ay magkukusang loob siyang i-alay muna ang kanyang sweldo upang masimulan na ang proyekto sa lalong madaling panahon.

Napabilib ni Cayetano ang napakaraming mga mamamayan dahil dito. Tunay nga na may malasakit si Cayetano sa bayan at sa mga mamamayang Pilipino. Umani ito ng sari-saring papuri sa mga social media sites. Inaasahan rin ng lahat na matutupad ang lahat ng plano ng  administrasyong Duterte sa bansa.
CAYETANO, GUSTONG PABILISIN ANG PROCESS SA PAGKUHA NG PASSPORT CAYETANO, GUSTONG PABILISIN ANG PROCESS SA PAGKUHA NG PASSPORT Reviewed by Unknown on 4:01 AM Rating: 5

No comments :

Powered by Blogger.