Facebook

MGA PROTESTANTE SA MENDIOLA NAGRALLY UPANG HINDI MAIPATUPAD ANG MARTIAL LAW SA MINDANAO

Isang protesta laban sa pagpapatupad ng Martial Law ang nanganap sa Mendiola. Ito ay pinangunahan ng Human Rights Groups. Layunin nilang kumbinsihin ang kongreso at buong sambayanang Pilipino na ibasura ang Martial Law sa Mindanao.


Ayon sa isa sa mga miyembro  ng kabataan Partylist na si Sarah Elago hindi raw solusyon ang Martial Law sa problema ngayon ng Mindanao. Sa halip na ipatupad ang Martial Law mas mainam daw na asikasuhin muna ng Pangulo ang tunay na problema ng Mindanao gaya ng land-grabbing,Landless at korapsyon.

Hindi rin nagpahuling magbahagi ng kanyang opinyon si Renato Reyes na ang Martial Law ay magdudulot lamang ng pang aabuso sa mga Pilipino sa halip na ito ay makatulong. 
Dagdag pa ng iba pang mga protestante  hindi daw ito magdudulot ng kapayapaan kundi mas magiging delikado pa raw ang kalagayan ng mga mamamayang Pilipino na naninirahan doon.


Ngunit sa kabila ng mga opinyon ng mga protestante marami pa rin ang nagsabing pawang binayaran ang mga ito upang sirain ang reputasyon ng Pangulo dahil sa pagpapatupad nito ng Martial Law sa Mindanao.
MGA PROTESTANTE SA MENDIOLA NAGRALLY UPANG HINDI MAIPATUPAD ANG MARTIAL LAW SA MINDANAO MGA PROTESTANTE SA MENDIOLA NAGRALLY UPANG HINDI MAIPATUPAD ANG MARTIAL LAW SA MINDANAO Reviewed by Akane-san on 8:35 PM Rating: 5

No comments :

Powered by Blogger.