Facebook

PANGILINAN, GUSTONG SURIIN ANG PAGSASAKATUPARAN NI DUTERTE NG MARTIAL LAW SA MINDANAO

Maraming mga opinyong ang sumalubong sa desisyon ng Pangulo na pagpapatalaga ng Martial Law sa Mindanao. Ilan sa mga ito ay tumutuligsa sa hakbang ng Pangulo may ilan rin namang sumuporta dito.


Hindi rin naman nagpahuli ang ilan sa mga senador na magbahagi ng kanilang opinyon tungkol sa Martial law sa Mindanao. Isa sa nagbahagi ng kanyang opinyon ay si Sen. Kiko Pangilinan.

Ayon sa senador kailangan munang tinganan ng mga mamamayan ang dahilan kung bakit ito ginawa ng pangulo bago nila ito pagsabihan ng mga masasamang komento. Pati ang Kongreso ay kinakailangan munang tingnan ang sitwasyon bago nila sabihin na hindi ito nararapat. 


Hanggang sa napapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan at walang nababaliwala susuportahan ng kongreso ang desisyong ito ng Pangulong Duterte. Idineklara ito ng Pangulo dahil sa sunod-sunod na pag-ataki ng mga armadong suspek. Sinasabing magtatagal ang Martial Law ng mahigit 60 araw.
PANGILINAN, GUSTONG SURIIN ANG PAGSASAKATUPARAN NI DUTERTE NG MARTIAL LAW SA MINDANAO PANGILINAN, GUSTONG SURIIN ANG PAGSASAKATUPARAN NI DUTERTE NG MARTIAL LAW SA MINDANAO Reviewed by Unknown on 9:39 PM Rating: 5

No comments :

Powered by Blogger.